Namayagpag sa undercard fights sina Mark Magsayo at 2020 Olympic bronze medalist Eumir Marcial nitong Linggo, Hulyo 20, 2026 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, USA.
Sa magkahiwalay na bakbakan, wagi si Marcial matapos niyang pabagsakin si Bernard Joseph sa third round via technical knockout sa middleweight division.
Pagtungtong 1:55 mark ng third round, nagpakawala na ng right hook combination si Marcial dahilan upang patulugin na ang kampanya ni Joseph sa kanilang tapatan.
Wagi rin si Magsayo via unanimous decision kontra kay Jorge Mata. Ito ang ikaapat na panalo ni Magsayo upang makatungtong na world championship.
Samantala, ngayong araw din nakatakda ang tapatanan nina People’s Champ Manny Pacquiao at Mario Barros. Ito ang unang laban ni Pacquiao matapos siyang magretitro noong 2021. Sa pagbabalik ni Pacquiao sa boxing ring, siya na ang itinuturing na pinakamatandang welterweight boxer sa edad na 46 taong gulang.
KAUGNAY NA BALITA: Netizens, naninimbangan na sa magiging resulta ng laban ni Pacman