December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Transphobic at homophobic remarks kay Awra, labag sa batas—NGO

Transphobic at homophobic remarks kay Awra, labag sa batas—NGO
Photo Courtesy: Rainbow Rights Philippines, Awra Briguela (FB)

Nagbigay ng pahayag ang Rainbow Rights Philippines kaugnay sa puksaan nina TV personality Awra Briguela at content creator Sir Jack Argota.

Ito ay matapos sabihin ni Sir Jack sa isang Facebook post na maaari umanong kasuhan ang mga bading na lumalait sa kaniya ayon sa abogadong sinangguni niya.

Sa latest Facebook post ng Rainbow Rights PH noong Biyernes, Hulyo 19, sinabi nilang maituturing umanong online gender-based sexual harassment ang mga transphobic at homophobic remarks laban kay Awra.

“Krimen ‘yan sa ilalim ng Safe Spaces Act (R.A. 11313) na may penalty na 2 hanggang 4 na taon na pagkakakulong o multang 100,000 to 500,000,” saad ng Rainbow Rights PH.

Pokwang, inaming utol ang nanapak sa amang nagkakariton

Ang Rainbow Rights PH ay isang non-profit organization na isinusulong ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Pilipinas.

Dagdag pa nila, “Should this person follow through on his threat, we will mobilize resources for legal aid and support. We will also explore filing counter charges or initiate criminal proceedings.” 

Matatandaang nag-ugat ang iringan ng dalawa matapos itama ni Sir Jack ang pronoun na “her” ni Awra na ginamit sa isang ulat ng ABS-CBN News hinggil sa graduation nito sa senior high school.

Niresbakan naman ni Awra ang banat sa kaniya sa pamamagitan ng Facebook post. Ngunit ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi ni Awra na hindi raw siya ang nagmamay-ari ng Facebook page na sumasagot kay Sir Jack.

MAKI-BALITA: Awra Briguela, nilinaw 'below the belt' na resbak sa content creator