January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

'Tinotoong death threat!' 19-anyos na babae, pinagsasaksak ng ex-jowa!

 'Tinotoong death threat!' 19-anyos na babae, pinagsasaksak ng ex-jowa!
Photo courtesy: Pexels

Sugatan ang isang 19 taong gulang na dalaga matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang dating boyfriend sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa mga ulat, nagpadala pa raw ng text message ang 20-anyos na suspek na nagsasabing papatayin niya ang biktima bago tuluyang nangyari ang krimen.

Batay sa imbestigasyon, nagtago sa likod ng isang puno ang suspek upang matiktikan niya sa paglabas ng bahay ang biktima. Aasikasuhin daw sana ng biktima ang kanilang mga alagang kambing nang bigla siyang sunggaban ng suspek.

Nagtamo siya ng tatlong saksak sa likurin habang isa naman sa tagiliran.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Nasakote na ng pulisya ang suspek at narekober din sa kaniya ang kitchen knife na hinihinalang ginamit niya laban sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng suspek, habang nagpapagaling na sa ospital ang biktima.