January 05, 2026

Home BALITA

Presyo ng petrolyo, nakaambang tataas sa Hulyo 22

Presyo ng petrolyo, nakaambang tataas sa Hulyo 22
GAS (MB FILE PHOTO)

May nakaambang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Hulyo 22, 2025.

Ang tinitingnang sanhi ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) sa pagtaas ng presyo ay dahil sa mga patakaran sa taripa mula sa Estados Unidos, kasabay ng mga espekulasyon sa kasalukuyang paglaki ng demand ng langis. 

“OPEC [Organization of the Petroleum Exporting Countries] holds steady on old demand growth forecasts, and [there is] speculation that President [Donald] Trump’s tariff policies will slow global economic growth and energy demand,” saad ni OIMB Director Rodela Romero. 

Ayon  kay Jetti Petroluem Preident Leo Bellas, maaaring makaapekto ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar sa presyo ng langis sa susunod na linggo.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

Base sa four-day Platts Singapore (MOPS), maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng ₱0.30 - ₱0.50 kada litro. Posible namang tumaas ng ₱0.70 - ₱0.90 kada litro ng diesel, at ang kerosene naman ay tataas ng hindi bababa sa ₱0.50 kada litro.