Muling magbabalik sa boxing ring si dating senador at world champion Manny Pacquiao upang pataubin si WBC welterweight champion Mario Barrios sa Linggo, Hulyo 20, 2025 (araw sa Pilipinas).
Matapos ang kaniyang pagreretiro noong 2021, susubukan na muling angkinin ni Pacquiao ang WBC welterweight title, bilang oldest welterweight champion sa edad na 46.
Noong Agosto 21, 2021 pa huling nasilayan ng buong mundo ang huling pakikipagbakbakan ni Pacman, kung saan bigo niyang naiuwi ang WBA welterweight champion matapos matalo kay Yordenis Ugas sa loob ng 12 rounds via unanimous decision.
Bagama’t aminadong may agam-agam, giit ni Pacman sa isang interview sa international media, “I’m worried for my reputation. But I’m making sure that I’m not a kind of fighter like other fighters that come back but they are not showing what they did before.
Bunsod nito, sa muling pagbabalik ng Pambansang Kamao laban kay Barrios na mas bata sa kaniya ng 16 na taon, tila magkakahalo ang reaksiyon ng ilang netizens sa magiging resulta raw ng anila’y mas matanda ng bersyon ni Pacman sa loob ng boxing ring.
“No way Pacman can win here, laos na sya, his prime is over.”
“Noong nakaraang laban kulang sa ensayo si Manny, ibahin n'yo ngayon.”
“3 rounds lng ‘yan kay Pacman.”
“This guy beat by Ugas, and Barrios knocked out Ugas! Halla!!!!”
“Wala ng expectation kay Manny pero sana manalo.”
“Bumilis lang ulit si Pacman, panalo na ‘yan eh.”