January 28, 2026

Home BALITA

Mag-jowang nag-123 sa jeep, nagtangka pang manaksak ng pasahero

Mag-jowang nag-123 sa jeep, nagtangka pang manaksak ng pasahero
Photo courtesy: Contributed photo

Nakuhanan ng video ang komosyon sa loob ng pampasaherong jeep matapos magtangkang manaksak ang isang lalaki, kasama ang kaniyang girlfriend, nang singilin siyang magbayad ng pamasahe.

Ayon sa ulat ng Frontline Express nitong Sabado, Hulyo 29, 2025, napag-alamang nagtangkang manaksak ang nasabing lalaki matapos hindi itigil ng driver ang jeep sa lokasyong bababaan ng magkasintahan dahil sa hindi nila pagbabayad.

Mapapanood sa video na paulit-ulit iginigiit ng lalaking suspek na nakapagbayad na raw sila ngunit nanindigan ang driver na wala pa silang binabayaran.

Isang pasahero rin ang sumigaw na at umako na lang ng pamasahe ng magkasintahan upang makababa na lamang sila ng jeep.

Metro

Lagot! BFP, iniimbestigahan mga nandekwat umano ng alak sa nasunog na supermarket sa QC

Samantala, depensa ng tiyuhin ng lalaki, nagkaroon daw ito ng sakit noon—dahilan upang hindi siya makapag-isip nang tama paminsan-minsan.

Nakahanda raw iharap ng kani-kanilang pamilya ang magkasintahan kung sakaling may magreklamo at magsampa ng kaso laban sa kanila.