January 28, 2026

Home BALITA

Latest pictures ni FPRRD, bawal isapubliko!—VP Sara

 Latest pictures ni FPRRD, bawal isapubliko!—VP Sara
Photo courtesy: screenshot from Alvin and Tourism/FB, file photo

Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi maaaring maglabas ng mga larawan ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang abogado nito.

Sa kaniyang pakikipanayam sa ilang mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands noong Biyernes, Hulyo 18, 2025, iginiit niyang wala raw kapangyarihan ang abogado ng kaniyang ama na maglabas ng mga pinakabago niyang larawan.

“Nagsabi siya bawal daw sa mga lawyers na mag-release o kumuha man lang ng picture ng kanilang client at pag ginawa niya daw yon baka tanggalin siya as lawyer,” ani VP Sara.

Matatandaang naungkat ang paglalabas ng mga bagong larawan ni dating Pangulong Duterte matapos kumalat sa social media ang pekeng litrato na umano’y but’ot balat na raw ang kaniyang ama habang nasa ospital—bagay na pinasinungalingan ni VP Sara.

National

Suspended Rep. Barzaga, muling ipapatawag sa House Ethics Committee

“Malamang ibang pasyente iyon. Inano lang nila ang mukha ni dating pangulong Duterte. Wala po siya sa ospital ng detention unit. Nandoon po siya sa regular wing ng detention unit. At kanina, naglalakad naman siya mag-isa. May dala dala siyang tungkod. So clearly wala siyang sakit na kumbaga na kailangan niyang maging bedridden," anang Pangalawang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, pinabulaanan larawan ni FPRRD na nasa ospital: ‘Inano lang nila ang mukha!’

Kasalukuyang nakadetine sa kustodiya ng ICC ang dating Pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity bunsod ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD