Isinapubliko ni GMA news anchor Emil Sumangil ang laman ng kaniyang panalangin sa pamamagitan ng social media post.
Sa latest Instagram post ni Emil noong Biyernes, Hulyo 18, humihingi siya ng kaligtasan mula sa panganib at peligrong dala ng trabaho niya kalakip ang larawan ng rosaryo.
Ito ay kahit tiniyak na niya kamakailan na nasa maayos at ligtas na kalagayan siya matapos mangamba ang publiko para sa kaniya kaugnay sa kontrobersiyal na isyung iniuulat niya na may kinalaman sa mga nawawalang sabungero.
MAKI-BALITA: 'Nagbakasyon lang!' Emil Sumangil ligtas at buhay na buhay
“ligtas mo ako sa banta’t peligrong dala ng aking trabaho, higit sa lahat sa tukso’t kasalanang lumalason sa aking puso’t isipan, Mahal na Panginoon,” saad ni Emil sa caption.
Dagdag pa niya, “Blessed Weekend, friends. Wet weekend tayo.”
Matatandaang nauna nang humiling ng panalangin ang misis ni Emil dahil sa panayam ng mister sa whistleblower na si Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy.”
MAKI-BALITA: 'Nagbakasyon lang!' Emil Sumangil ligtas at buhay na buhay