Hindi raw tatanggihan ni Dustin Yu na makatrabaho ang kapuwa niya Kapuso Sparkle artist at “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” housemate na si Will Ashley kasama si Bianca De Vera.
Si Dustin ay kasalukuyang idinidikit bilang ka-love team ni Bianca ngunit sa kabilang banda ay may mga fanney din na bet i-ship ang huli kay Will.
Kaya sa isang media conference ng mga Sparkle housemate kamakailan, nausisa si Dustin na kung bibigyan ng pagkakataon, willing ba siyang makatrabaho ang dalawa.
“Siyempre oo,” sagot ni Dustin. “Lahat ng opportunity iga-grab natin as long as approved by the management.”
Dagdag pa niya, “Interesting din na mag-work kami ulit and now, the question is with Bianca naman. Alam ko maraming nag-aabang. So, yeah, i-te-take natin 'yong opportunity na ‘yan. Let's see kung anong mangyayari. But for now, sasabihin ko yes.”
Matatandaang nagkasama na sina Dustin at Will sa “Mano Po Legacy: The Flower Sister” noong 2022. Nakatrabaho naman ni Will si Bianca sa makasaysayang collaboration project ng ABS-CBN at GMA Network na pinamagatang “Unbreak My Heart.”
Kaya naman hindi na rin nakapagtataka nang ihayag ni Will ang interes niyang makatrabaho rin sina Dustin at Bianca in the near future.
“Excited ako na makita ang growth nila not just as a person but also sa craft nila. And of course, gusto ko rin ma-share namin together ‘yong craft namin,” anang Kapuso Sparkle artist.
MAKI-BALITA: Will, masaya para kina Dustin at Bianca: 'Support ko sila'