January 28, 2026

Home BALITA

DOH, nagtaas ng ‘code white alert’ dahil sa bagyong Crising

DOH, nagtaas ng ‘code white alert’ dahil sa bagyong Crising
Photo courtesy: via DOH

Itinaas na ng Department of Health (DOH) sa code white alert ang mga operation centers kasunod ng pananalasa ng bagyong Crising.

Sa Facebook post ng DOH noong Biyernes, Hulyo 18, 2025, nakaantabay ang ahensya para sa agarang tulong-medikal.

“Bunsod ng mga paghahanda sa tinatayang landfall ng bagyong Crising ngayong gabi, itinaas ng DOH ang Code White Alert sa DOH Operations Center (OpCen),” anang DOH. 

Dagdag pa ng DOH, “Sa ilalim ng Code White Alert, inihahanda ng DOH OpCen ang mga gamot, medical equipment, at Health Emergency Response Teams para sa mga rehiyon na tinatayang maapektuhan ng bagyo.”

National

Relax lang? Sen. Imee, nagsumite ng resolusyon para sa mga senador vs Chinese embassy

Nakaantabay din ang 911 emergency hotline para sa mga mangangailangan ng tulong sa ilang lokalidad.

“Nakaantabay naman ang National Emergency Hotline 911 at local emergency hotlines para sa mga mangangailangan ng tulong,” saad ng DOH. 

Ayon sa tala ng Office of the Civil Defense (OCD) noong Biyernes, tinatayang aabot na sa 24,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Crising at hanging habagat.

KAUGNAY NA BALITA: Tinatayang 24,000 indibidwal, apektado ng bagyong Crising, habagat