Kasalukuyan umanong kumakalat ang bali-balitang pumanaw na ang batikang aktor na si Dante Rivero.
Si Dante ay bahagi ngayon ng umeereng “FPJ’s Batang Quiapo.” Ginagampanan niya ang karakter ni Don Gustavo Guerrero sa nasabing serye ng ABS-CBN.
Kaya sa latest Facebook post ng CCM Film Productions nitong Sabado, Hulyo 19, pinabulaanan nila ang kumakalat na balita matapos nitong makarating sa kanila.
"Ang kumakalat na photos at videos ay hindi totoo o fake news. Si Mr. Dante Rivero ay malusog at masigla na kasama namin sa mga susunod pang mga araw sa taping ng 'FPJ's Batang Quiapo.'"
Dagdag pa nila, “Nakikiusap kami sa lahat na itigil ang pagkalat ng videos at misinformation sa social media. Maraming salamat po.”