December 14, 2025

Home BALITA

#CrisingPH, nakalabas na ng PAR; ilang lugar Luzon, nakataas pa rin sa signal no. 2

#CrisingPH, nakalabas na ng PAR; ilang lugar Luzon, nakataas pa rin sa signal no. 2
(PAGASA)

Bagama't nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang severe tropical storm "Crising," nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa ilang lugar sa hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, as of 10:00 a.m. nitong Sabado, Hulyo 19, nasa labas na ng PAR ang bagyong Crising. Huli itong namataan sa layong 235 kilometro ng kanluran ng Itbayat, Batanes. 

Taglay ang lakas ng hangin ng 100km/h at pagbugso na 125 kmh/h.

Nakataas ang signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes
Western portion ng Babuyan Islands
Northwestern portion ng Ilocos Norte

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Signal no. 1
Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
Ilocos Sur
Northern portion ng La Union
Abra
Apayao
Kalinga
Nalalabing bahagi ng Cagayan

Smanatala, as of 11:00 a.m., nakataas ang ORANGE WARNING LEVEL sa Zambales, Bataan Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite at Rizal, kung saan nananatiling bantang panganib ang posibleng pagbaha, bunsod ng southwest monsoon o hanging Habagat.

Nasa ilalim naman ng YELLOW WARNING LEVEL ang Nueva Ecija, Batangas at Laguna, kung saan posibleng magkaroon ng pagbaha sa mga bahain o flood-prone areas sa mga nabanggit na lugar.