December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Bus driver at pasaherong 'di nagkasundo sa bike, nagpambuno sa terminal

Bus driver at pasaherong 'di nagkasundo sa bike, nagpambuno sa terminal
Photo courtesy: screenshot from Contributed video

Agaw-eksena ang isang bus driver at kaniyang pasahero matapos silang magsuntukan sa bus terminal sa Panabo, Davao del Norte.

Batay sa nagkalat na video na sa social media, mapapanood ang rambol ng bus driver at pasahero. Makikita rin sa naturang video kung paano dinaganan ng pasahero ang bus driver at pinaulanan ng suntok. Mabilis namang dumating ang ilan pang lalaki na umawat sa dalawa.

Bago tuluyang mapaghiwalay, hinabol pa ng suntok ng driver ang pasahero at saka tuluyang naawat ang dalawa.

Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang away ng dalawa dahil sa bisikletang nais isakay sa bus. Hindi na raw kasi pumayag ang bus driver na isakay ng pasahero ang kaniyang bisikleta dahil siksikan na raw ang loob ng bus. Doon na raw nauwi sa sakitan ang diskusyon ng dalawa.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Ayon pa sa mga awtoridad, desididong magsampa ng reklamong physical injuries ang driver at pasahero laban sa isa’t isa.