Walo ang kumpirmadong patay sa karambola ng isang truck at dalawang van sa Isabela nitong Sabado, Hulyo 19, 2025.
Ayon sa mga ulat, binabagtas ng isang six-wheeler truck ang timog na direksyon ng kalsada nang bigla raw nitong pasukin ang kabilang linya kung nasaan ang dalawang magkasunod na van.
Agad na nahagip ng truck ang isang van na may sakay na 16 na pasahero. Sa lakas ng impact, bahagyang nakaladkad pa raw ito ng truck bago tumama sa kasunod pa na van na may sakay namang 9 na pasahero.
Idineklarang dead on arrival ang driver ng unang van habang pito pa ang naiulat na nasawi na mga sakay nito. Isang pasahero din ng hindi pa tukoy na van ang nananatiling comatose.
Batay sa paunang imbestigasyon, human error ang isa sa mga nakikitang anggulo ng mga awtoridad sa nasabing aksidente.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng truck.
Ito ay isang developing story.