Inihayag ng National Disaster Risk and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa 23,918 indibidwal ang naapektuhan ng landslide at pagbaha sa Visayas at Central Mindanao.
Ayon sa inilabas na datos ng NDRRMC nitong Biyernes, Hulyo 18, 3035, katumbas ng 7,501 pamilya ang apektado sa pag-iral ng bagyong Crising at hanging Habagat sa bansa.
Nakapagtala rin ang nasabing ahensya ng landslide sa Talisay, Cebu at dalawang landslide naman sa Cebu City. Nasa 15 pamilya ang naapektuhan ng nasabing mga landslide.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, siniguro naman ng Office of Civil Defense (OCD) na nakaalerto raw sila sa kasagsagan ng masamang panahon.
“Tayo po ay makinig, at kung maaari sumunod po at maghanda para sa mga weather disturbances po. We want your cooperation and we assure you of our continuous support and patuloy na pag-suporta sa mga local government units natin,” ani OCD Asst. Secretary Bernardo Rafaelito R. Alejandro IV .
Dagdag pa ng kalihim, “We are ready to provide augmentation to the different LGUs na apektado. Constant ang aming communication with our regional offices and nakaready po ang mga resources natin to augment the LGUs.”