January 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Senyora, bet kausapin si Ralph Recto pero si Vilma Santos ang sumagot!

Senyora, bet kausapin si Ralph Recto pero si Vilma Santos ang sumagot!
Photo courtesy: Senyora, DOF,Vilma Santos-Recto (FB)

Usap-usapan ang pagsagot ni re-elected Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa post ng online personality na si "Senyora," patungkol sa mister ng una na si dating senador at ngayon ay Department of Finance Secretary Ralph Recto.

Mababasa sa post ni Senyora na tila humihingi siya ng permiso kay Vilma na makausap si Ralph, sa hindi naman tinukoy na paksa.

"Madam Vilma Santos-Recto pwede ba namin makausap yang mister n’yo? May sasabihin lang kami," aniya.

"Clue: Malutong s’ya."

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Pero sa comment section, tila sumagot si Vilma sa pamamagitan ng verified Facebook page na "Vilma Santos-Recto."

Mababasa, "Ok lang naman Senyora basta huwag lang tungkol sa FAKE NEWS."

Ibinahagi ni Senyora ang screenshot ng naging komento ni Vilma sa post niya, pero this time, tila "umurong" siya at idinaan sa biro ang tungkol sa nais niyang sabihin kay DOF Sec. Ralph.

"Oh sumagot na si Ate V! Ano na sasabihin n’yo sa asawa n’ya? Kasi ako ang sasabihin ko lang na Malutong e… Malutong ang chicharon sa Batangas. Lusot! Bahala kayo jan."

Bagama't walang tinukoy kung ano ang context ng post, karamihan sa mga netizen, patungkol ito sa 20% na interest income tax ng bank savings na ipinatutupad na ng ilang bangko, batay sa batas na Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA).

KAUGNAY NA BALITA: 20% tax sa interes ng bank savings mo, paano makakaapekto sa iyo?

Umani ng batikos mula sa mga netizen si Recto, subalit mismong stepson niyang si Kapamilya TV host Luis Manzano ang nagtanggol sa kaniya.

Ayon kay Luis, hindi ang stepdad niya ang author ng batas, kaya hindi puwedeng siya ang sisihin ng mga tutol sa 20% tax.

KAUGNAY NA BALITA: Luis Manzano, rumesbak para kay Ralph Recto tungkol sa CMEPA