December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Sasakyang nawalan ng kontrol, bumulusok sa bangin sa Baguio

Sasakyang nawalan ng kontrol, bumulusok sa bangin sa Baguio
Photo courtesy: Baguio PIO

Bumulusok sa bangin ang minamanehong sasakyan ng isang 23 taong gulang na estudyanteng lalaki sa isang bangin sa Purok 4, Bakakeng Norte, Baguio City nitong Biyernes, Hulyo 18, 2025. 

Ayon sa ulat ng Baguio City Public Information Office nitong Biyernes, tinatayang nasa 30 ft. ang lalim ng kinabagsakan ng nasabing sasakyan matapos mawalan ng kontrol ang driver nito.

Mabilis namang nasaklolohan ng mga awtoridad ang driver ng sasakyan. Ayon sa Baguio City Police Office, nanatiling conscious ang driver nang ma-rescue siya sa bangin. Nasa ospital na ang lalaki na nagtamo ng minor injuries.

Samantala, hindi pa raw tukoy kung magkano ang kabuuang danyos ng nasira sa naturang sasakyan at sa nadamay nitong nasirang steel barrier. 

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi