December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf

Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf
Photo courtesy: Klea Pineda (IG)

Emosyunal na inamin ng Kapuso actress na si Klea Pineda na hiwalay na sila ng kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf.

Iyan ang pag-amin ng aktres sa pag-guest niya sa "Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Hulyo 18.

Aniya, magkakaniya-kaniya na muna sila dahil may iba-iba raw silang priorities sa buhay, at iyon na muna ang uunahin nilang pareho.

Mutual decision naman daw ang paghihiwalay nila.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Sa kabila ng lahat, wala raw pagsisisi si Klea sa tatlong taong naging relasyon nilang dalawa.

Itinanggi naman ni Klea na third party o cheating ang dahilan ng kanilang mutual decision na maghiwalay na.