December 18, 2025

Home BALITA

Operasyon ng PCG sa Taal Lake, apektado ng masamang panahon—DOJ

Operasyon ng PCG sa Taal Lake, apektado ng masamang panahon—DOJ
Photo courtesy: MB File photo,DOST-PAGASA/FB

Pansamantalang nakahinto ang search operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake bunsod ng bagyong Crising at hanging habagat.

Sa pahayag ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Mico Clavano nitong Biyernes, Hulyo 18, 2025, iginiit niyang naka-standby ang tropa ng PCG dahil sa masamang panahon.

“Coast Guard Underwater Search Operations utilizing its Tech Divers and ROV was temporarily placed on standby due to continuous rainfall and surface runoff from the nearby river,” ani Clavano.

Dagdag pa niya, “Elevated turbidity levels significantly reduced underwater visibility, resulting in unfavorable conditions for the conduct of any diving operations.”

National

'Fresh bloods!' DPWH, sisimulan 'massive recruitment' sa mga unibersidad, kolehiyo sa 2026

Bagama’t hindi nakataas sa Batangas ang anumang tropical cyclone wind signal, nag-abiso naman ang DOST-PAGASA sa kanilang pinakabagong weather bulletin forecast nitong Biyernes, 2:00 ng hapon, para sa badya ng pagtaas ng alon sa ilang probinsya ng Luzon kabilang ang Batangas.

Noong nakaraang Linggo nang tuluyang nag-umpisa ang PCG sa paggagalugad ng Taal Lake para sa paghahanap ng mga bangkay ng nawawalang sabungerong sinasabing itinapon sa nasabing lawa.

BASAHIN: 'Di tanim-sako!' PCG, dumipensa sa mga alegasyon sa operasyon nila sa Taal Lake