December 23, 2025

Home BALITA Probinsya

‘Nameke ng mga patay! Ilang kababaihang nag-solicit gamit pekeng death certificate, timbog!

‘Nameke ng mga patay! Ilang kababaihang nag-solicit gamit pekeng death certificate, timbog!
Photo courtesy: Pexels

Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong mga babaeng nagbabahay-bahay para umano manghingi ng abuloy para sa mga pineke nilang patay sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa mga ulat, nakailang pabalik-balik daw ang mga suspek bitbit ang pekeng death certificate para makapag-solicit sa anila’y mga namatay na basurero at nalunod umanong bata.

Isang complainant na raw ang nagtimbre sa mga awtoridad hinggil sa modus ng suspek matapos balikan ng mga babae ang kaniyang bahay at pasukin ito nang walang paalam.

Ayon sa biktima, nakita na lamang daw nila ang mga babae sa loob ng kanilang bahay na akmang mandedekwat pa raw ng kanilang payong. Doon na raw napilitang tumawag ng tulong ang biktima.

Probinsya

Barangay captain, bodyguard arestado sa kasong estafa, illegal possession of loose firearms

Paglilinaw ng chief tanod sa Barangay San Isidro sa Antipolo, hindi raw totoong may mga taong namatay sa kanilang lugar.

Tinatayang nasa ₱300 hanggang ₱1,000 ang kinikita ng mga suspek dahil wala raw mga trabaho ang kanilang mga asawa.

“Ito po kasi yung alam ko. Wala po kasing trabaho yung asawa ko. Minsan po naka-₱800 kami o ₱1,000. Sila naman ₱300, ₱500 minsan ₱600. Nagsisisi rin kasi miss ko yung pito kong anak,” anang isang suspek.

Nasa kustodiya na ng Antipolo Component City Police Station custodial facility ang mga suspek na nahaharap sa kasong estafa at trespassing.