December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Luis Manzano, rumesbak para kay Ralph Recto tungkol sa CMEPA

Luis Manzano, rumesbak para kay Ralph Recto tungkol sa CMEPA
Photo courtesy: via MB/Department of Finance (FB)

Nilinaw ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano na hindi ang kaniyang stepfather na si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang may-akda ng Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA).

Tungkol ito sa batas na pagpapataw ng 20% na buwis sa interes ng savings sa bangko, partikular sa time deposits.

Si Recto kasi ang binabanatan ng mga netizen patungkol dito dahil sa pagiging kalihim niya ng DOF.

Sa kaniyang Instagram story, nilinaw ni Luis na hindi ang stepdad niya ang author o umakda ng CMEPA.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Google sino gumawa ng CMEPA," mababasa sa text caption ni Luis.

Photo courtesy: Screenshot from Luis Manzano/IG

Ang umakda ng RA 12214 ay si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda bilang principal author, sa House of Representatives. Sa Senado naman, ang sponsor nito ay ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means na si Sen. Win Gatchalian.

KAUGNAY NA BALITA: 20% tax sa interes ng bank savings mo, paano makakaapekto sa iyo?