December 14, 2025

Home SHOWBIZ

LA Tenorio, ‘di kinuwestiyon ang Diyos kahit nagkaroon ng colon cancer

LA Tenorio, ‘di kinuwestiyon ang Diyos kahit nagkaroon ng colon cancer
Photo Courtesy: Screenshot from PCNE (FB)

Hindi raw sumagi sa isip ni PBA star LA Tenorio na kuwestiyunin ang pag-iral ng Diyos matapos niyang matuklasan na mayroon siyang stage 3 colon cancer.

Sa conversational interview na “Heart-to-Heart: Signs of Hope” na bahagi ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) XI nitong Biyernes, Hulyo 18, sinabi ni LA na malaking bahagi raw ang kinalakihan niyang paligid para patuloy na kumapit sa kaniyang pananalig.

"No'ng nalaman ko po na nagkaroon ako ng cancer, I never question our Lord. Hindi ko po kinuwestiyon kung bakit ako binigyan," saad ni LA.

Dagdag pa niya, “Leaning toward this situation, siguro hinanda po ako ng ating Panginoon doon sa nangyari sa akin noong 2023. My whole life, I was surrounded with people na sobra po talaga 'yong faith. I am a devotee of a lot of churches.”

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

Matatandaang sa isang panayam noong 2024, sinabi ni LA na pananampatalaya raw ang nagligtas sa kaniya mula sa pakikipaglaban sa matinding sakit.

Kinumpirma Coach Tim Cone noong Setyembre 2023 na cancer-free na si LA matapos ang huling session nito ng chemotherapy.

MAKI-BALITA: LA Tenorio sa laban niya sa colon cancer: ‘My faith really saved me’