December 21, 2025

Home BALITA National

#CrisingPH tropical storm na, signal number 2 itinaas sa ilang lugar

#CrisingPH tropical storm na, signal number 2 itinaas sa ilang lugar
Photo courtesy: PAGASA-DOST/X

UPDATED AS OF 11:00 AM- Bahagyang lumakas ang bagyong Crising habang kumikilos pa-hilagang kanluran patungong kalupaan ng Cagayan-Babuyan Islands, batay sa latest update ng PAGASA-DOST, 11:00 ng umaga.

Dahil dito, nakataas pa rin sa tropical cyclone wind signal number 2 ang ilang mga lalawigan habang ang ilan naman ay nasa wind signal number 1.

Batay sa ibinabang update ng DOST-PAGASA, ang mga lugar at lalawigang nasa signal number 2 ay:

BATANES
ILOCOS NORTE
HILAGANG BAHAGI NG ILOCOS SUR
APAYAO
KALINGA
CAGAYAN, KASAMA ANG BABUYAN GROUP OF ISLANDS
ISABELA
HILAGA AT GITNANG BAHAGI NG ABRA
SILANGANG BAHAGI NG MOUNTAIN PROVINCE
SILANGANG BAHAGI NG IFUGAO

National

Parang ang bilis? Doctor-health columnist, napatanong sa 'DNA analysis' kay Catalina Cabral

Narito naman ang ilang mga lugar at lalawigang nasa ilalim ng signal number 1:

NATITIRANG BAHAGI NG ISABELA
QUIRINO
NUEVA VIZCAYA
NATITIRANG BAHAGI NG KALINGA
MOUNTAIN PROVINCE
IFUGAO
NATITIRANG BAHAGI NG ABRA
BENGUET
NATITIRANG BAHAGI NG ILOCOS SUR
LA UNION
HILAGANG BAHAGI NG PANGASINAN
HILAGANG BAHAGI NG AURORA
HILAGANG-SILANGANG BAHAGI NG NUEVA ECIJA
POLILLO ISLANDS

QUIRINO
NUEVA VIZCAYA
IBA PANG BAHAGI NG MOUNTAIN PROVINCE
IBA PANG BAHAGI NG IFUGAO
IBA PANG BAHAGI NG ABRA
BENGUET
IBA PANG BAHAGI NG ILOCOS SUR
LA UNION
HILAGANG BAHAGI NG PANGASINAN
HILAGANG BAHAGI NG AURORA
HILAGANG-SILANGANG BAHAGI NG NUEVA ECIJA

As of 8:00 AM naman, inalis na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes sa ilalim ng wind signal number 1 dahil sa tropical storm #CrisingPH, sa latest update ng PAGASA-DOST.

Samantala, nakataas naman sa Yellow Warning Level (Be Alert) Bataan, Zambales, Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Bulaca, at Metro Manila.

Asahan ang pagbaha sa mga lugar na madalas bahain o flood-prone areas.

Samantala, makararanas ng mahina hanggang katamtaman ngunit paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang Nueva Ecija, Tarlac, at Pampanga, na maaaring magpatuloy sa loob ng tatlong (3) oras.

Pinapayuhan ang publiko, maging ang National Disaster Risk Reduction and Management Offices (NDRRMO) na i-monitor ang lagay ng panahon.