December 14, 2025

Home BALITA National

#CrisingPH, napanatili ang lakas habang nasa Hilagang Luzon

#CrisingPH, napanatili ang lakas habang nasa Hilagang Luzon
Photo courtesy: DOST-PAGASA (X)

Nananatili ang lakas ng bagyong #CrisingPH habang dumaraan malapit sa Santa Ana, Cagayan, ayon sa latest update ng PAGASA-DOST, as of 8:00 PM.

Nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 ang mga sumusunod na lugar: Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, at ang hilaga at gitnang bahagi ng Abra na kinabibilangan ng mga bayan ng Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, at Lacub.

Kasama rin sa Signal No. 2 ang silangang bahagi ng Mountain Province, partikular ang mga bayan ng Natonin at Paracelis, gayundin ang silangang bahagi ng Ifugao, partikular sa Aguinaldo at Alfonso Lista. Bukod dito, nakasailalim din sa parehong babala ang buong Ilocos Norte at ang hilagang bahagi ng Ilocos Sur, kabilang ang mga bayan ng Cabugao, Sinait, Magsingal, San Juan, San Ildefonso, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, Santa Catalina, Caoayan, Lungsod ng Vigan, at Santa.

Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang mga sumusunod na lugar: Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, Ifugao, at Abra, gayundin ang Benguet, ang natitirang bahagi ng Ilocos Sur, at ang buong La Union.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Kabilang din sa Signal No. 1 ang hilagang bahagi ng Pangasinan, partikular sa mga bayan at lungsod ng San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, Lungsod ng Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, at Bugallon.

Kasama rin sa babalang ito ang hilagang bahagi ng Aurora, kabilang ang mga bayan ng Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, at Maria Aurora, gayundin ang northeastern portion ng Nueva Ecija, partikular sa Carranglan at Pantabangan.

Samantala, nakataas ang Orange Warning Level sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan, kung saan nananatiling bantang panganib ang posibleng pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan dulot pa rin ng bagyo at southwest monsoon o habagat.

Nasa ilalim ng Yellow Warning Level ang Pampanga, Bulacan, Tarlac, Cavite, Batangas, Rizal, at Metro Manila. Posibleng magkaroon ng pagbaha sa mga bahain o flood-prone areas sa mga nabanggit na lugar.

Patuloy namang nakararanas ng mahina hanggang katamtamang ulan na may panaka-nakang malalakas na buhos ng ulan ang Nueva Ecija, Laguna, at Quezon, na maaaring magpatuloy sa loob ng susunod na tatlong oras.

Pinapayuhan ang publiko at ang mga kinauukulang tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management na patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na babala na ilalabas sa ganap na alas-11:00 ng gabi ng Biyernes.