January 28, 2026

Home BALITA

Babala ng China sa mga Chinese na gustong mag-aral sa Pinas, sinagot ng Palasyo!

Babala ng China sa mga Chinese na gustong mag-aral sa Pinas, sinagot ng Palasyo!
Photo courtesy: screenshot from RTVM, Pexels

Sumagot ang Malacañang sa naging abiso ng China laban sa Pilipinas para sa mga Chinese students na nagbabalak mag-aral sa bansa.

Sa press briefing ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro nitong Biyernes, Hulyo 18, 2025, sinabi niyang karapatan daw ng China na magbigay ng abiso sa kanilang mga kababayan.

“Ang kanilang advisory sa kanilang mga kababayan ay karapatan naman po nila. Obligasyon din naman po nilang pangalagaan ang kanilang mga kababayan,” ani Castro.

 Kaugnay nito, ibinala naman ni Castro ang bumbaba raw na crime rate ng Pilipinas, taliwas sa abiso ng China sa kanilang mga kababayan.

Politics

'Expel me if they want!' Congressmeow, dedma na sa pagdinig ng Ethics Committee

“Pero as far as the government is concerned, alam po natin na ang crime rate sa Pilipinas ay gumaganda at bumababa,” saad ni Castro.

Hirit pa ni Castro, “So ang pananaw po ng China ay ganun, hindi naman po natin ito hahadlangan dahil karapatan po nila 'yan.”

Kamakailan lang nang maglabas ng abiso ang nasabing bansa hinggil sa nananatiling banta raw ng seguridad ng mga Chinese citizen kung bibisita o mag-aaral sila sa Pilipinas.