Nasakote ng pulisya ang babaeng naglalako ng ilegal na “Do It Yourself” (DIY) abortion kit sa social media.
Ayon sa mga ulat, natimbog ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspek matapos magkasa ng operasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) nang makakuha sila ng tip sa modus ng nasabing babae.
Sa tulong ng kanilang undercover agent, nasundan ng mga awtoridad ang transaksyon ng suspek sa Makati matapos niyang ipa-deliver sa isang rider ang mga ilegal na gamot pampalaglag. Doon na raw itinuro ng rider ang kinaroroonan ng suspek.
Ayon sa NBI, napag-alamang mga nakuha sa suspek ang mga gamot na hindi awtorisado ng Food and Drugs Administration (FDA) at ilang mga galing China. Wala ring sapat na awtoridad ang babae sa paglalako raw ng nasabing mga gamot.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa patong-patong na mga reklamo.