January 25, 2026

Home BALITA National

Yellow warning level, itinaas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa #CrisingPH

Yellow warning level, itinaas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa #CrisingPH
Photo courtesy: DOST-PAGASA/X

Nakataas sa Yellow Warning Level (Be Alert) ang ilang mga lugar sa Luzon dahil sa Tropical Depression #CrisingPH.

Batay ito sa Heavy Rainfall Warning No. 1 ng DOST-PAGASA, as of 5:00 PM ng Huwebes, Hulyo 17, 2025.

Pinapayuhan ang mga nakatira sa nabanggit na lalawigan na maging alerto, dahil posible ang pagbaha sa flood-prone areas.

Ang mga nabanggit na lalawigan ay Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Bataan, at Quezon.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Pinapayuhan ang publiko, maging ang National Disaster Risk Reduction and Management Offices (NDRRMO) na i-monitor ang lagay ng panahon.

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si #CrisingPH sa Sabado, Hulyo 19.

Maglalabas ulit ng advisory ang DOST-PAGASA bandang 8:00 PM.