Kinaaliwan ng mga netizen ang edited photo ng Kapuso actor na si Paul Salas kasama ang kontrobersiyal at viral na larawan ng isang kuwarto.
"Tao po," mababasa sa caption ng post ni Paul, sa kaniyang verified Facebook account, kalakip ang larawan.
Ang nabanggit na kuwarto ay pagmamay-ari ng kontrobersiyal na si "Red Uncle," ang 38-anyos na Chinese transgender na nakipagtalik sa higit isanlibong lalaki at palihim na kinunan ng video ang kanilang pagtatalik upang umano'y ibenta online.
KAUGNAY NA BALITA: Si Red Uncle at ‘pagtikim,’ pambibiktima niya sa higit 1,000 lalaki
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit viral at ginagawan ng memes ang kuwartong ito?
Kamakailan lamang ay nasakote ng mga awtoridad si Red Uncle dahil labag ito sa batas ng China.
Umani naman ng reaksiyon at komento ang edited photo ni Paul.
"Pang 1,603 ka sumunod ka sa pila"
"Nasan ang prutas hahahaha"
"Dumayo ka pa talaga diyan hahaha"
"Parang marami gusto magpabembang hahaha."
"Winner si Red Uncle kapag ikaw nakabembang sa kaniya hahahaha."