Kinumpirma ng Norwegian ski federation ang pagpanaw ni Olympic ski cross medalist Audon Groenvold matapos siyang tamaan ng kidlat.
Ayon sa nasabing pederasyon, nasa cabin trip ang atleta ng mangyari ang insidente.
"It is with great sadness that we have received the news of Audon Groemvold's untimely passing," anang pederasyon.
Saad pa nila, "The former national Alpine skier and ski cross athlete was recently struck by lightning during a cabin trip,"
Samantala, ayon sa mga ulat, nagawa pa raw maisugod sa ospital si Groenvold ngunit kalaunan ay pumanaw rin siya.
Taong 2010 nang masungkit ni Groenvold ang bronze medal sa Olympic Winter Games sa Vancouver. Bago ang tugatog ng kaniyang karera sa Olympics, nauna na rin niyang iukit ang legasiya sa skiing World Cup Alpine skier sa Spain noong 1999, world championships noong 2005 at Cross Cup noong 2007.