Tila naimbyerna ang aktres at online seller na si Matet De Leon sa ilang netizens na umano'y "bastos" at nagtatanong sa kaniya habang nagla-live selling siya.
Sa Threads post ni Matet, sinabi niyang may ilan pa rin daw na tila inaasar siya't nagtatanong kung kailan siya iiyak ulit habang naka-live.
Hindi na lang daw pinatulan ni Matet dahil hindi raw kaya ng konsensya niyang gawin.
"Naglalive ako kanina.. May mga bastos parin talagang nagtatanong kung kelan ako iiyak during the live.. Hindi ko maibalik sa kanila ginagawa nila eh.. Di kaya ng konsensya ko.. Mga tao nga naman talaga oo.." nasabi na lang ni Matet.
Pero hindi naman daw natinag si Matet.
"Hindi naman nila ko na damage kanina. Ayoko ng ganung klase ng atensyon."
Pinayuhan na lang ng mga netizen si Matet na dedmahin ang mga mapang-alaskang netizens at gawin na lang ang dapat niyang gawin.
Matatandaang kamakailan lamang ay napaiyak si Matet habang nagla-live dahil sa ilang mga netizen na kumukuwestyon kung bakit siya nagtitinda online, at hindi umaarte sa telebisyon o pelikula.
MAKI-BALITA: 'Walang puso!' Matet De Leon, nagpaliwanag bakit naluha sa live selling