January 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Lihim ng Annabelle doll at ang misteryosong pagkamatay ng isang paranormal investigator

Lihim ng Annabelle doll at ang misteryosong pagkamatay ng isang paranormal investigator
Photo courtesy: New England Society for Psychic Research (NESPR)

Muling nabuhay ang kababalaghang bumabalot sa sikat na manikang tinawag na “Annabelle,” matapos ang misteryosong pagkamatay ng paranormal investigator na si Dan Rivera.

Ayon sa mga ulat, hindi pa rin tukoy ang pagkamatay ni Rivera na pumanaw noong Hulyo 13, 2025 sa loob ng isang hotel sa Pennsylvania sa kasagsagan ng “Devil's on the run” tour, tampok ang nasabing manika.

Ang kababalaghan sa manikang si Annabelle

Sinasabing taong 1968 nang matanggap ng isang nursing student ang Annabelle doll na regalo raw sa kaniya ng kaniyang ina. Nag-umpisa umano ang kababalaghan ng nasabing manika sa loob ng apartment ng naturang nursing student kasama ang isa pa niyang roommate.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Matapos ang ilang kakila-kilabot na karanasan, pinaniwalaang nasa manika pa raw ang kaluluwa ng isang batang may pangalang Annabelle na unang nagmay-ari rito.

Ang mga demonyo at ang manikang si Annabelle

Sa tulong ng mag-asawang paranormal investigator na si Ed at Lorraine Warren—mismong mga mentor ni Rivera, nabigyang-linaw nila ang misteryo sa likod ng nasabing manika. Ayon sa kanila, wala umanong kaluluwang nakasapi sa manika, bagkus ito raw ay "demonically possessed," na hindi raw dapat nasa kamay ng ordinaryong mga tao. 

Bunsod nito, inilagak ng mga Warren ang manika sa isang glass box upang hindi na raw makapaminsala pa.

Ano ang Deveils on the Run Tour?

Ang Devils on the Run Tour ay isang selebrasyon sa legasiya ng mag-asawang Warren magmula ng sila ay pumanaw. Sa pamamagitan ni Rivera, binubuksan nila sa publiko o sa iilang matatapang na tao na makaharap ang manikang si Annabelle.

Ang manikang si Annabelle at ang pagkamatay ni Rivera

Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap na lamang daw ng tawag ang awtoridad mula sa hotel na tinutuluyan ni Rivera na mayroon umanong lalaking sinusubukang mai-revive na ka-edad niya.

Batay pa sa salaysay ng mga awtoridad, wala silang natagpuang kahit na anong misteryosong magsasabing mahiwaga ang pagkamatay ni Rivera—ngunit wala ring nakapagsabi kung nasaan na ang manikang si Annabelle. 

Tinatayang aabutin daw ng 60 hanggang 90 araw bago lumabas awtopsiya ng bangkay ni Rivera.

Inirerekomendang balita