December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking naagawan ng puwesto sa computer shop, nagwala; 2 patay!

Lalaking naagawan ng puwesto sa computer shop, nagwala; 2 patay!
Photo courtesy: Freepik

Patay ang dalawang customer ng isang computer shop matapos silang atakihin ng isang lalaking nag-amok matapos umanong maagawan ng puwesto.

Ayon sa mga ulat, lasing daw ang suspek nang magtungo siya sa nasabing computer shop at nakitang may nakaupo at gumagamit ng kaniyang puwesto.

Doon na raw nagalit ang suspek at pinagsasaksak ng screwdriver ang 10 taong gulang na batang lalaki na nagtamo ng saksak sa likod, ulo at dibdib. 

Nadamay rin ang isa pang lalaki na pinatay umano gamit naman ang fire extinguisher.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Paniwala ng mga awtoridad, posible raw na nasa ilalim ng impluwensya ng droga ang suspek dahil sa tila pagkabalisa at kilos nito na maaaring senyales umano ng paggamit ng ilegal na droga.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong double murder.