December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Bayan ng Laurel, posible ideklarang 'state of calamity' dahil sa mga nawawalang sabungero

Bayan ng Laurel, posible ideklarang 'state of calamity' dahil sa mga nawawalang sabungero
Photo courtesy: Pexels, Manila Bulletin

Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa naluluging bentahan ng mga isda bunsod ng mga napapaulat na bangkay na nakukuha sa Taal Lake kaugnay ng isyu ng mga nawawalang sabungero.

Sa panayam ng media sa Municipal Administrator ng Laurel na si Bienvenido Mayuga, iginiit niyang ramdam daw sa economic status ng kanilang bayan ang pagputok ng imbestigasyon ng sa Taal.

"Pinag-aaralan kung idedeklara ang state of calamity sa lokal na pamahalaan. Pinapakiramdaman yung economic status dahil sa nagaganap na pagbaba ng sales ng bangus at tilapia dito sa ating bayan,” ani Mayuga.

Giit pa niya, piang-uusapan na raw nila ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong mga mangingisda at mga nagtitinda ng isda.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

"Sa mga susunod na araw po, pinag-uusapan na po kasama po ng DSWD, MSWD para naman po sa agarang tulong po para sa mga affected ng ating imbestigasyon na nagaganap," saad ni Mayuga.

Bunsod nito, muli namang niliaw ni Mayuga na ligtas kainin ang mga tilapia mula sa nasabing lawa.

"Paglilinaw din po, ang tilapia po sa Laurel ay cultured, alaga, pinatutuka po ito ng commercial feeds. Hindi po ito yung alpas na gaya ng inaasahan ng iba," aniya.

Matatandaang minsan nang sinabi ng alkalde ng Laurel na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga iniluluwas na isda patungong Maynila magmula nang may nahukay na sako ng mga hinihinalang buto ng tao mula sa Taal Lake.