Inalala ni Asia's Multimedia Star at Kapuso star Alden Richards ang 10th anniversary ng "KalyeSerye," ang phenomenal segment ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga," na nagsilang sa phenomenal loveteam nila ni Maine Mendoza o mas sumikat nang husto bilang si "Yaya Dub."
Mababasa sa kaniyang X post noong Miyerkules, Hulyo 16, "Happy 10th…"
"Forever in our hearts…"
"Thank you for the memories…"
"ALDUBnation."
Noong 2015, isang pambihirang kilig-serye ang nagbago sa takbo ng telebisyon sa Pilipinas—ang KalyeSerye ng Eat Bulaga. Mula sa simpleng segment sa tanghali, naging isang cultural phenomenon ang nasabing serye na tumatak sa puso ng milyon-milyong Pilipino.
Pero makalipas ang sampung taon, marami nang nagbago —nasa TV5 na ang Eat Bulaga, ikinasal na si Maine, at nakagawa na ulit ng mga pelikula si Alden katambal sina Julia Montes at Kathryn Bernardo, pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang alaala at kilig ng KalyeSerye.