December 21, 2025

Home BALITA Metro

₱50 new wage hike sa NCR, epektibo sa Biyernes, Hulyo 18

₱50 new wage hike sa NCR, epektibo sa Biyernes, Hulyo 18
Photo courtesy: via MB/Canva

Epektibo na sa Biyernes, Hulyo 18, 2025, ang ₱50 bagong wage hike o umento sa sahod para sa mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers sa rehiyon na tumalima sa naturang wage hike.

“Effective ang bagong minimum wage sa July 18. Dapat ang ating mga employers ay mag-adjust na at makatanggap na rin by July 18 ang ating minimum wage earners,” ayon kay DOLE-NCR Regional Director Sarah Buena Mirasol, sa panayam sa telebisyon.

Nilinaw naman ni Mirasol na exempted sa wage hike ang mga establisimyento na apektado ng kalamidad o yaong sangkot sa retail at services, na nag-eempleyo ng hanggang 10 manggagawa.

Metro

Pag-iisyu ng Beep card, pansamantalang sinuspinde

Ayon kay Mirasol, maaaring dumulog sa DOLE-NCR o field offices ang mga empleyado kung hindi tumatalima sa pagpapatupad ng umento sa sahod ang kanilang employers.

“Kapag hindi nag-comply ang ating employers, puwedeng dumulog sa DOLE-NCR o field offices… online, puwede rin mag-request for assistance,” ani Mirasol.

Matatandaang noong nakaraang buwan, inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang ₱50 wage hike sa rehiyon.

Bunsod nito, ang daily minimum wage rate sa rehiyon ay magiging ₱695 na para sa non-agriculture sector, mula sa dating ₱645.

Mula naman sa ₱608 ay magiging ₱658 naman ang daily minimum wage rate para sa agriculture sector, service at retail establishments na nag-eempleyo ng 15 o mas kaunti pang manggagawa, at manufacturing establishments na regular na nag-eempleyo ng wala pang 10 manggagawa.