December 16, 2025

Home BALITA

2 sako ng mga butong nakuha sa Taal Lake, kumpirmadong sa tao!—DOJ

2 sako ng mga butong nakuha sa Taal Lake, kumpirmadong sa tao!—DOJ
Photo courtesy: Contributed photo

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na dalawang sako na may lamang buto ng tao ang nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Taal Lake nitong Huwebes, Hulyo 17, 2025.

Sa kaniyang press briefing, sinabi ni Remulla na dalawa sa apat na sakong nahukay ng tropa ng PCG ay pawang mga buhangin lamang habang dalawa naman ang may lamang positibong mga buto ng tao.

“Apat na sako 'yon actually. Dalawang sako ng buhangin pampabigat at saka dalawang sako ng containing the remains," ani Remulla.

Batay sa naitimbre raw kay Remulla, ribs o tadyang daw ng tao ang nakuha mula sa nasabing lawa.

National

'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez

Matatandaang ilang sako na rin ang nakuha ng PCG mula sa Taal Lake ngunit ilang buto pa lamang daw ang nagpopositibo bilang mga buto ng tao na nakahalo raw sa buto ng mga hayop.

KAUGNAY NA BALITA: Mga butong narekober sa Taal Lake, may mga nakahalong buto ng tao!—Torre