Umani ng samu’t saring mga reaksiyon ang isinusulong na batas ni Sen. Ping Lacson tungkol sa pagpaparusa sa mga anak na magpapabaya raw sa kanilang mga magulang.
Inihain ni Lacson ang panukalang-batas na “Parents Welfare Act of 2025,” na naglalayong tiyaking hindi iiwan ng kanilang mga anak ang kanilang mga magulang, lalo na sa panahon ng pangangailangan.
BASAHIN: Bill ni Sen. Lacson: Mga anak na mag-aabandona sa elderly parents, lagot!
Bunsod nito, tila muling nabuhay sa social media ang debate patungkol sa pagkakaroon daw ng obligasyon ng mga anak sa kanilang mga magulang. Giit ng ilan, hindi raw kasi “retirement plan” ang mga anak at hindi rin patas ang sitwasyon ng bawat pamilya.
“Para sa akin, hindi dapat ituring ng mga magulang ang kanilang mga anak bilang retirement plan.”
“Dapat kasuhan din ang magulang na ayaw pag-aralin ang mga anak.”
“Di yan inoobliga kusa ‘yan ‘pag maayos pagpapalaki.”
“Gawa ka din Ng batas na di pwedeng gawing retirement plan ang mga anak ha?”
“Very good ito lang ang batas na nasiyahan ako naaawa kasi ako sa mga elders na pinabayaan ng mga ana.”
“Tas ending investment talaga yung anak aray! Hahaha”
“Para lang po yan sa matinong magulang syempre.”
Samantala, sa hiwalay na pahayag kay Lacson, dumipensa siyang nagiging tipikal na lamang daw ang mga senaryong iniiwan sa lansangan ang mga matatandaang nangangailangan ng pagkalinga mula sa kanilang sariling pamilya.
"Nowadays, the sights of abandoned elderly in our streets become typical. Children fail to provide the necessary support to their aging, sick and incapacitated parents. This happens despite our moral and natural obligation to maintain our parents who are in need of support,” anang senador.