December 13, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Bam titiyaking mananaig ang batas, kapakanan ng mamamayan sa impeachment

Sen. Bam titiyaking mananaig ang batas, kapakanan ng mamamayan sa impeachment
Photo Courtesy: Bam Aquino (FB)

Naglabas ng pahayag si Senador Bam Aquino kaugnay sa posibilidad na muling buksan ang paglilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na Agosto.

Sa latest Facebook post ni Aquino nitong Miyerkules, Hulyo 16, handa na raw siyang gampanan ang tungkulin at responsibilidad bilang senator-judge.

“Sa prosesong ito, titiyakin nating mananaig ang ating mga batas at kapakanan ng ating mamamayan,” anang senador.

Kamakailan lang ay nagsukat na si Aquino ng impeachment robe na isusuot niya sakaling ipagpapatuloy ang paglilitis laban sa bise presidente.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Aniya, “Malaki at mabigat ang katungkulan ito pero handa tayong gawin ang nakasaad sa Saligang Batas. Tayo ay magiging patas, matapang at sisiguraduhing walang papanigan sa ating pagdedesisyon.”

Matatandaang Pebrero 5 nang tuluyang na-impeach sa Kamara si Duterte matapos ang pagpirma ng tinatayang 215 mga mambabatas sa ikaapat na impeachment complaint laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte