December 16, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Pasabog comeback! IV of Spades, nanggulat sa 'Aura' nila

Pasabog comeback! IV of Spades, nanggulat sa 'Aura' nila
Photo courtesy: IV of Spades (FB)

Matapos ang ilang taong pananahimik, muling gumulantang sa mundo ng musika ang IV of Spades nitong Miyerkules, Hulyo 16, 2025, sa paglabas ng kanilang pinakabagong kanta na pinamagatang “Aura.”

Isang pagbabalik nga ito na walang pasabi, kaya’t hindi napigilang magulantang at kiligin ang mga tagahanga ng banda.

Ang mas nakakagulat pa? Kasama sa nasabing pagbabalik si Unique Salonga—ang dating bokalista at frontman ng grupo—na huling nakitang kasama nila noong 2018.

Sa bagong kanta, muling nagsama-sama sina Zild Benitez, Blaster Silonga, Badjao de Castro, at Unique, at ipinakitang buo pa rin ang kanilang musikal na koneksyon sa kabila ng matagal na pagkakahiwalay.

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

"AURA. OUT NOW," tanging caption nila sa kanilang Facebook post.

Hindi lang sila basta nag-reunion, dahil lahat ng apat ay kinilalang may ambag sa paglikha ng “Aura."

Agad ngang nag-trending sa X ang "Aura" at "IV of Spades."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"THE BIGGEST COMEBACK IN 2025"

"for the non-opm listeners, this is like when The Beatles came back!"

"Bagong windows wallpaper! Woo! Haha!"

"+100000000 aura after finding out that Iv of Spades finally came back!!"