December 15, 2025

Home BALITA Politics

Pangilinan, wala pang desisyon kung sasapi sa majority bloc ng Senado

Pangilinan, wala pang desisyon kung sasapi sa majority bloc ng Senado
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

Nagbigay ng paglilinaw si Senador Kiko Pangilinan kaugnay sa mga pahayag na nakapagpasya na umano siyang sumapi sa majority bloc ng Senado at pamumunuan niya ang Agriculture Committiee.

Sa isang X post ni Pangilinan noong Martes, Hulyo 15, tinawag niyang “premature” pa ang mga naturang pahayag. 

“This announcement is premature. Under the rules of the Senate, the Chair of each Senate committee is subject to a vote by all Senators in plenary,” saad ni Pangilinan.

Dagdag pa niya, “I do not wish to preempt my colleagues who are to decide on this during our regular sessions. 

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Ayon sa senador, sa pag-convene pa ng 20th Congress sa Hulyo 28 magiging pinal ang desisyon niya kung ihahanay niya ang sarili sa majority bloc ng Senado o hindi. 

“Until then, I continue to consult organizations, groups, individuals from the agriculture sector, and from the ranks of our supporters and volunteers,” dugtong pa ni Pangilinan.

Matatandaang nauna nang nagbigay ng hindi tuwirang pahayag si Pangilinan hinggil dito. Binigyang-diin niya na patuloy raw siyang maninindigan para sa pangakong bitbit niya pag-upo sa Senado.

MAKI-BALITA: Sen. Kiko, nagsalita na sa umano’y pagsama niya sa majority bloc: 'I know what I stand for!'