December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking binulungan daw ng masamang espiritu, tinaga sariling ama; biktima, patay!

Lalaking binulungan daw ng masamang espiritu, tinaga sariling ama; biktima, patay!
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang isang 66 taong gulang na ama matapos siyang pagtatagain ng kaniyang sariling anak sa Sitio Alfagate, Barangay Sudlon I, Cebu City.

Ayon sa mga ulat, aminado raw ang 44-anyos na suspek sa krimen na ginawa niya, matapos matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kaniyang kuwarto na tadtad ng taga sa ulo at iba pang parte ng katawan.

Depensa ng suspek, nagawa niya raw iyon sa kaniyang ama dahil sa bulong ng masamang espiritu. Dagdag pa niya, inunahan lang daw niya ang kaniyang ama matapos niyang mapag-alamang may binabalak umanong masama ang biktima laban sa kaniya.

Samantala, ayon naman sa pahayag ng kapatid ng suspek, minsan na raw nalulong sa paggamit ng ilegal na droga ang suspek, Naniniwala rin siyang wala raw sa tamang pag-iisip ang kaniyang kapatid.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.