Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang napag-usapan daw nila ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pakikipagkaibigan daw sa kaniya ni Sen. Imee Marcos.
Sa panayam ng ilang tagasuporta nila sa The Hague, Netherlands noong Hulyo 15, 2025, iginiit ni VP Sara naniniwala raw si dating Pangulong Duterte sa sinseridad ni Sen. Imee sa pakikipagkaibigan sa kaniya.
“Sabi n’ya na, ‘I believe, she is sincere with her friendship with you.’ Kasi sabi n’ya, ‘puwede naman siyang hindi makipagkaibigan sa’yo eh. Pero nakikipagkaibigan siya sa iyo.’ Yun ang nabanggit n’ya kanina,” ani VP Sara.
Kasalukuyang nasa The Hague sina VP Sara at Sen. Imee, matapos daw sumunod ang senadora sa nasabing bansa noong Hulyo 15.
Matatandaang matapos ang matagumpay na pag-endorso ni VP Sara kay Sen. Imee noong nakaraang midterm elections, ay ang pag-ugong ng tambalang “Sara-Imee” sa 2028.
KAUGNAY NA BALITA:VP Sara, na-shookt sa 'Sara-Imee' tandem sa 2028