Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang paglulunsad ng 50% diskuwento para sa person with disabilites (PWD) at senior citizens na pasahero ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Sa talumpati ni Marcos sa Santolan-Annapolis Station nitong Miyerkules, Hulyo 16, sinabi niyang bukod sa mga estudyante, idadagdag din umano nila ang PWD at senior citizens sa makikinabang sa diskuwento.
“Ngayon naman, idadagdag natin sa grupong ‘yon na mabibigyan ng 50% discount ang mga senior citizen at ang mga PWD. Ang makikinabang dito sa programang ito ay siguro 13 milyong senior citizen at saka 7 milyong PWD,” anang pangulo.
Dagdag pa niya, “Alam naman natin, ‘yang mga grupong ‘yan, mga estudyante, ang PWD, mga senior citizens, talaga namang kailangan ng tulong natin dahil very limited ang kanilang income.
Ang nasabing programa ay bahagi ng paggunita sa 47th National Disability Week mula Hulyo 17 hanggang Hulyo 23.