December 13, 2025

Home BALITA National

Diokno isusulong STRAW Bill para sa mga estudyante

Diokno isusulong STRAW Bill para sa mga estudyante
Photo Courtesy: Screenshot from HOR (YT), Arnold Quizol/MB

Ibinida ni Akbayan Rep. Atty. Chel Diokno ang inihain nilang Students' Rights and Welfare (STRAW) Bill na naglalayong protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa isinagawang press conference nitong Miyerkules, Hulyo 16, sinabi ni Diokno ang dahilan kung bakit nila itinataguyod ang nasabing panukalang batas.

“Sa tingin namin, kailangan pa ng sapat na proteksyon ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga karapatan at kanilang kapakanan,” saad ni Diokno.

Samantala, dinepensahan naman niya ang STRAW mula sa posibleng panganib umano nito na lalong mawala ang disiplina ng mga estudyante.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

“Ayon sa mga pag-aaral ng mga experts, kailangan ng mga estudyante ng safe space so that they can develop as students,” anang kongresista.

Dagdag pa ni Diokno, “And when we speak of a safe space, it’s not only safe in terms of against discrimination, but it must also be safe in terms of their ability to express themselves and to exchange and share opinions.”