January 29, 2026

Home BALITA

‘Di natakot sa pellet gun!’ Lalaking nang-holdap, timbog matapos lumaban biniktima

‘Di natakot sa pellet gun!’ Lalaking nang-holdap, timbog matapos lumaban biniktima
Photo courtesy: Pexels

Naunsyami ang panghoholdap ng isang lalaking gumamit ng pellet gun sa Zamboanga City, matapos lumaban ang isa pang lalaki na kaniyang hinoholdap.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News nitong Miyerkules, Hulyo 16, 2025, nangyari ang insidente sa isang parking lot habang nasa motorsiklo pa ang dalawang biktima. Doon na raw nagbanta ng holdap ang suspek at saka hinugot ang kaniyang pellet gun at itinutok sa isang lalaki.

Sinubukan pang matangay ng suspek ang cellphone at wallet ng mga biktima ngunit pagkatago niya ng pellet gun, doon na raw nanlaban ang mga biktima.

Mabilis na nasakote ng pulisya ang suspek kung saan narekober sa kaniya ang ginamit na pellet gun. Naibalik din ang mga gamit ng mga biktima.

Metro

Lagot! BFP, iniimbestigahan mga nandekwat umano ng alak sa nasunog na supermarket sa QC

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek.