December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

‘Binalahura?’ Colored version ng Yolanda Shrine sa Leyte, ekis sa netizens!

‘Binalahura?’ Colored version ng Yolanda Shrine sa Leyte, ekis sa netizens!
Photo courtesy: Contributed photo

Inulan ng samu't saring reaksyon at komento mula sa netizens ang kinulayang monumento bilang paggunita sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte.

Nakalagak sa bayan ng Tanauan sa Leyte ang nasabing monumento na tinawag na “Surge of Hope,” na siyang simbolo umano sa mga buhay na nawala bunsod ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar bunsod ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013.

Pinasinayaan ang nasabing monumento noong Abril 2015 sa lugar na sinasabing mass grave ng mahigit 3000 hina nakilalang bangkay ng mga biktima. Mula sa orhinila nitong kulay puti at dilaw, noong Hulyo 6, 2025 nang pinturahan ito ng mas buhay na mga kulay—bagay na hindi sinang-ayunan ng karamihan.

“Ginawa n’yo namang playground ‘yan!”

Probinsya

Pari sa Baguio, himas-rehas ng 20-40 taon dahil sa panggagahasa sa menor de edad

“Attractive nga, nawala naman yung sense!”

“Ang insensitive ng color combinations. Parang ipinagdiwang pa yung mga namatay na lang.”

“Grabe anong kabaduyan yan?!?”

“Literal na rainbor after the rain ang atake, kainis.”

“Minus point sa langit ang nakaisip niyan.”

Ang Surge of Hope ay pinondohan ng Smart Communications at Granix Distributions Inc. of Procter and Gamble. Binubuo ito ng dalawang spiral-shaped columns na siya raw simbolo ng taas ng daluyong na tumama sa kanilang bayan. Ang ilang hinulmang wangis ng tao naman ang ang kumakatawan sa mga buhay na nasawi, habang ang mga ibon ang siyang simbolo raw ng pag-asa matapos ang nasabing trahedya.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang lokal na pamahalaan tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.