Parehong nagtapos ng magna cum laude ang kambal na sina Rhoelle Micah at Noelle Michaela Balbuena ng Bachelor of Science in Statistics sa University of the Philippines Cebu kaya naman doble ang dala-dala nilang karangalan para sa kanilang pamilya.
Sa ulat ng ABS-CBN News, isinilang sa Placer, Surigao Del Norte ang kambal at parehong nahilig at itinuturing na kalakasan ang mga may kinalaman sa numero, at estadistika.
Kaya naman, pareho raw nilang desisyong kumuha ng BS Statistics, lalo't nabantad sila rito dahil ang mga magulang nila ay isang bookkeeper at ang isa naman ay empleyado sa isang opisina.
Isa pa, bukod sa parang pinagbiyak na bunga, hindi rin daw mapaghiwalay ang dalawa, na para bang ma-beshy na rin higit pa sa pagiging magkapatid.
Naging lakas at sandigan nila ang isa't isa sa panahong nagkakaroon sila ng personal na mga problema.
Balak ni Rhoelle na mag-aplay bilang lecturer sa alma mater habang si Noelle naman ay naghahanap pa ng trabaho.