December 14, 2025

Home BALITA

Sofronio Vasquez, aawitin ‘Lupang Hinirang’ sa SONA

Sofronio Vasquez, aawitin ‘Lupang Hinirang’ sa SONA
Photo Courtesy: Sofronio Vasquez (FB)

Inanunsiyo na ng Malacañang na si "The Voice USA Season 26 Grand Winner" Sofronio Vasquez ang napiling kumanta ng “Lupang Hinirang” sa ikaapat na State of he Nation Address ni (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City ang ulat sa bayan ng pangulo sa darating na Hulyo 28, Lunes.

Matatandaang minsan nang bumisita sa Palasyo si Sofronio at flinex pa nga niya ang larawan nila ni Marcos.

MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, flinex larawan nila ni PBBM sa Malacañang

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Si Sofronio ang kauna-unahang Asyanong nanalo sa “The Voice USA.” Nag-uwi siya ng tumataginting na premyong $100,000 at recording contract matapos magkampeon sa nabanggit na kompetisyon. 

MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, wagi sa The Voice USA

Pero bago nagwagi sa “The Voice USA,” naging finalist muna siya sa “Tawag ng Tanghalan” noong 2019.

MAKI-BALITA: Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit grabber dahil kay Sofronio