December 13, 2025

Home FEATURES

Si Red Uncle at ‘pagtikim,’ pambibiktima niya sa higit 1,000 lalaki

Si Red Uncle at ‘pagtikim,’ pambibiktima niya sa higit 1,000 lalaki
Photo Courtesy: Contributed Photos

Napukaw ang atensyon at kuryosidad ng maraming netizens sa kumakalat na video ng umano’y babaeng nagdadala ng mga lalaki sa tinutuluyan nitong kwarto. 

Ngunit ayon sa mga ulat, ang nasabing babae ay isa raw middle-aged man na nagpapanggap lang na babae para akitin ang kalalakihang napupusuan niya. Binansagan siya sa internet bilang si “Red Uncle.”

Si Red Uncle na taga-Nanjing, China ay nakilala sa surname nitong Jiao, 38-anyos. 

Inaresto siya ng mga awtoridad dahil bagama’t pinamamayagan ang same-sex relationship sa nasabing bansa, palihim naman niyang kinukunan ang eksena ng pakikipagtalik sa mga lalaking dinadala niya sa kwartong tinutuluyan niya.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Umabot umano sa mahigit isanlibong lalaki ang nakatalik ni Red Uncle sa loob ng tatlong taon. Ikinalat niya sa internet at pinagkakitaan pa ang video ng mga lalaking nakatalik niya.

Sang-ayon sa batas ng China, may karampatang parusa ang pagpapakalat ng mga pribadong video o larawan na nagtatampok ng sekswal na gawain.

Dahil sa nangyari, naalarma ang publiko sa posibleng sexual disease na maidulot ni Red Uncle. Kaya naman nagpaalala ang city public health sa mga biktima na magpakonsulta agad upang masuri ang kalagayan nila.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa raw pahayag o komento si Red Uncle sa kinasangkutan niyang isyu.

Inirerekomendang balita