December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Pamilya Legaspi, na-meet cast ng Marvel's First Family

Pamilya Legaspi, na-meet cast ng Marvel's First Family
Photo Courtesy: Mavy Legaspi (IG)

Dalawang magkaibang pamilya ang pinagtagpo sa isang press tour sa Sydney, Australia.

Sa latest Instagram post kasi ni Mavy nitong Martes, Hulyo 15, ibinida niya ang larawan ng pamilya niya kasama ang cast ng itinuturing na first family ng Marvel Universe, walang iba kundi ang Fantastic Four!

“[S]o this just happened… ” saad ni Mavy sa caption.

Makikita sa unang larawan na kasama ni Mavy at ng kapatid niyang si Cassy Legaspi ang mga gumanap sa karakter na sina Johnny Storm at Ben Grimm na sina Joseph Quinn at Ebon Moss-Bachrach.

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Samantala, sa isa namang larawan, kasama ng magulang nilang sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sina Pedro Pascal at Vanessa Kirby na ginampanan ang karakter ng mag-asawang Reed Richards at Sue Storm.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"AHHHH can’t wait to see the interviewss!!!!! hope to see youuu guys!"

"OMGGGG IMAGINE MEETING THEE JOSEPH QUINN AND PEDRO PASCAL?!? "

"Love this for youuu "

"Ay englishan sila dun"

"Bongga! "

"level up to international, bongalicious! "

Magsisimula nang mapanood sa Pilipinas ang “Fantastic Four: First Step” sa Hulyo 25.